ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS NI BOB ONG
GENRE: Biography at Humor II: LAYUNIN Layunin nitong maimulat ang mga mambabasa sa tunay na kalagayan at pangyayari sa ating lipunan. Magbigay sagot sa ibang bagay na may kalituhan at pagaanin ang ilang bagay na kung susumahin hindi dapat masyadong siniseryoso. III: PAKSA Ito ay tumalakay ng iba’t ibang usapin; buhay ng may akda, ng pangunahing tauhan, at maging mga isyung panlipunan. IV: BUOD Ang nobelang ito ay nahahati sa mga kabanata kung saan ang bawat kabanata ay tumatalakay ng iba’t ibang kasalanan. Unang tinalakay ay ang inggit o envy na naging natural na sa pag-uugali ng mga tao. Ito ay isa mga katotohanan na may mga taong hindi magiging masaya sa tagumpay na tinatamasa ng iba. Tinalakay din ang galit o anger kung saan ginamit na daluyan ang iba’t ibang klase ng guro. Iba-iba man ang katangiang pisikal at paraan ng pagtuturo isa lang ang kanilang pagkakatulad, sila ay palaging galit at mainit ang ulo. Tampok din dito ang isang estudyanteng palamura at a...